KUWENTONG PILIPINO SA TAGALOG | Igorotage

STORY TELLING IN TAGALOG: November 18-Latest PODCAST in KUWENTONG PILIPINO SA TAGALOG AT ILOCANO “MANDIRIGMANG GURKHA -SI NAIK BISHNU PRASAD SHRESTA ” —- Ito ay hango sa naipahayag na kahanga-hangang salaysay tungkol sa isang sundalong Gurkha. Ang pangyayaring ito ay naganap sa bandang Kanluran na bahagi ng Bengal sa India noong ika a-DOS (2)ng Setyembre 2010. Katatapos lamang noong magretiro si Naik Bishnu Shresta bilang kasapi ng Pampitong Batalyon ng pang -walong Gurkha sa Riple (7th Battalion 8th Gurkha Rifles) magmula sa armi ng India at siya ay nasa edad ng tatlumpu’t lima (35). Nakasakay siya noon sa tren na Maurya Express biyaheng galing Ranchi na distrito ng Jharkhan sa silangang bahagi ng India. Ang biyaheng iyon ay patungong siyudad ng Gorakhpur sa Uttar Pradesh sa bandang norte. Noong magkalagitnaan ng gabi, biglang may mga sumakay na apat na bandido na may mga sandatang baril at mga machete. Marami na noon silang mga kasama na nakasakay sa tren na nagpanggap na mga pasahero. Pagkaakyat ng apat, kaagad silang nagkumpiska at nagsamsam ng mga pitaka, mga supot, maleta, alahas, laptop, relos at mga kargamento ng mga pasahero. Hindi nakakibo at nakakilos ang mga lehitimong mga pasahero samantalang nagsisigaw at nagbanta ang mga tulisan na nagtataas ng mga kampilan. May nakaabot kay Bishnu na nanghingi ng kanyang hawak na mahalaga. Bagamat napupuot na si Bishnu noon, tahimik niyang ini-abot ang kanyang pitaka. Sa mga sandaling iyon, ang sa isip niya ay hindi niya laban iyon. Kung ilang daang pera lang naman ang mawawala, hindi iyan kasing halaga ng buhay na mawawala na kung sakali. Biglang sinunggaban ng lider ang isang dalagita na mukhang labing walong taong gulang at sinimulang pinagtangkaang halayin ito sa harap ng mga magulang ng dalaga. Nakaupo ito sa tabi ni Shresta. Pinunit ng bandido ang blusa ng dalaga at sumigaw ang dalaga na nanghingi ng saklolo sa mga pasahero. Hindi nakatiis is Bishnu. Hinugot niya ang khukri na dala niyang nakatago at sinalakay niya ang nagulat na bandido. Sinunggaban niya ang leeg ng tulisan at parang walang anumanniya itong binuhat at ginawa niya itong kalasag habang sinalakay niyang hinatawan ang bandidong nagtataas at nagwawagayway ng kampilan. Umikot nang pabagsak ang natamaang tulisan at bumulwak na nagtilamsik ang dugo sa paligid. Tinangka ng isang bandido na tagain ang leeg ng dalaga na siyang nakagasgasan ng leeg nito noong parang kidlat na gumalaw si Shresta at bigla na lamang natumba ang tulisan… Listen to the full story on:

rss.com/podcasts/normahennessy/1228148/

Or check out the audio story on YouTube:

m.youtube.com/watch?v=OrMNA_yKyio